Dear Graduates, Honored Guests, Distinguished Educators, and Proud Parents,

I congratulate you today with immense joy and pride as we conduct the Commencement Exercises for School Year 2024-2025.   Today is a momentous occasion for around 400,000 graduates and completers of Basic Education across Region V.  Today marks the celebration of your hard work, resilience, and dedication throughout your academic journeys.

The theme we embrace this year, “Henerasyon ng Pagkakaisa: Kaagapay sa Bagong Pilipinas” (Generation of Unity: Partners for the New Philippines), resonates deeply with the spirit of this gathering and the ideals we aim to uphold. In this pivotal moment, as you stand on the threshold of new beginnings, I urge you to carry the essence of unity in your hearts and lives. 

You have all faced challenges during your studies, yet you have persevered, demonstrated grit, and shown an unwavering commitment to your education. As you graduate today, you are not merely stepping into a personal future; you are stepping into a collective journey that is integral to the growth and renewal of our beloved Philippines. 

Unity is not just a concept; it is our calling as citizens of this wonderful nation. In Bicol, known for its warmth, resilience, and rich culture, let us embody the spirit of collaboration—working alongside one another to address issues, uplift the marginalized, and foster an inclusive environment for all. As you embark on your next ventures, whether in further studies, the workforce, or community service, let your actions be guided by the principles of cooperation, empathy, and collective progress.

Remember, each of you brings unique talents, skills, and perspectives that can contribute to the tapestry of our nation. Embrace your differences, collaborate with others, and engage actively in dialogues that will enhance our communities. Be the generation that not only dreams of a better future but also actively participates in its creation. 

As you prepare to face the challenges and opportunities that lie ahead, I encourage you to connect, learn from one another, and rise together as partners in building a Bagong Pilipinas where every individual’s potential is realized, and every voice is heard.

Congratulations once again to all of you! Today, we hope that you will carry forth the message of unity and partnership, transforming ourselves and the world around us for generations to come.

May your journey be filled with success, fulfillment, and meaningful contributions to our country!

 

GILBERT T. SADSAD
Regional Director
DepEd Region V

FILIPINO VERSION

Mensahe ng Pagtatapos mula kay Regional Director Gilbert T. Sadsad

Malugod na pagbati sa ating mga minanamahal na magsisipagtapos, kagalang-galang na mga panauhin, itinatanging mga guro, at sa labis nating ipinagmamalaking mga magulang!

Buong kasiyahan at karangalang ang aking pagbati sa inyong Araw ng Pagtatapos sa Taong Panuruan 2024-2025.  Isang makasaysayang okasyon ang araw na ito sapagkat mahigit na apat na raang libo (400,000) mag-aaral  sa Rehiyon V (Bicol) ang matagumpay na nakapagtapos sa elementarya, senior high school, at Alternative Learning System. Ngayon ang tanda ng pagdiriwang ng inyong pagsusumikap, katatagan, at dedikasyon sa buong lakbayin ng inyong akademikong buhay.

Ang tema ng pagtatapos ngayong taon, “Henerasyon ng Pagkakaisa: Kaagapay sa Bagong Pilipinas,” ay pahiwatig ng malalim na kahulugan sa diwa ng ganitong pagtitipon at ang mga hangarin na nais nating matamo. Kaya naman sa mahalagang sandaling ito, habang kayo ay nahaharap sa panibagong simula ng inyong lakbayin, hinihikayat ko kayong isabuhay ang diwa ng pagkakaisa at higit na paalabin ito sa inyong mga puso.

Naharap kayo sa maraming hamon sa pag-aaral, gayunpaman ay nagpatuloy kayo, nagpakita ng tapang, at matibay na pananalig sa edukasyon. Sa inyong pagtatapos ngayon, hindi lamang ito hakbang sa tungo sa inyong pansariling kinabukasan; bagkus ito ay isang sama-samang tinipong lakbayin na lubhang kinakailangang sa pag-unlad at pagbabago ng ating bansang Pilipinas.

Ang pagkakaisa ay hindi lamang isang konsepto; ito ay isang panawagan bilang mga mamamayan nitong magiting na bansang Pilipinas.  Sa Bicol, na kilalang may malasakit sa kapuwa, katatagan, at mayamang kultura, isanasabuhay natin ang espiritu ng pagtutulungan upang solusyunan ang mga suliranin, itinataguyod ang mga nasa laylayan, at lumilikha ng isang inklusibong kapaligiran para sa lahat. Sa inyong patuloy na  paglalakbay, maging ito man ay sa kolehiyo o mas mataas pang pag-aaral, sa larangan ng trabaho, o maging sa paglilingkod sa komunidad, hayaan na ang inyong mga kilos at gawi ay gabayan ng mga prinsipyo ng pagtutulungan, pagpapahalaga, at sama-samang pag-unlad.

Tandaan, bawat isa sa inyo ay may natatanging talento, kakayahan at pananaw na makatutulong sa ating bayan. Yakapin ang inyong mga pagkakaiba-iba, makipagtulungan, at aktibong makilahok sa mga talakayan na magpapabuti sa ating mga komunidad. Maging henerasyon kayo na hindi lamang nangangarap ng mas magandang kinabukasan kundi kaisa at kasama sa paglikha nito.

Habang pinaghahandaan ninyo ang mga hamon at oportunidad na darating, hinihikayat ko kayong makipag-ugnayan, matuto mula sa isa’t isa, at sama-samang umangat bilang mga kaagapay sa pagtatayo ng Bagong Pilipinas, kung saan kinikilala at nililinang ang kakayahan ng indibidwal, at dinirinig ang boses ng bawat isa.

Sa muli binabati ko kayong lahat!  Umaasa kami na babaunin ninyo ang mensahe ng pagkakaisa at pagtulungan, tungo sa pagbabagong inaasam sa kasalukuyan at sa susunod pang mga heherasyon.

Maraming salamat, at nawa ang inyong paglalakbay ay mapuno ng tagumpay, kasiyahan, at makabuluhang ambag sa ating bansa!